Patuloy ang ginagawang pamamaraan ng Manila International Airport Authority (MIAA) upang masolusyunan ang kakapusan ng kuryente sa paliparan sa Metro Manila.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, sa ngayon ay nagpapatuloy ang electrical maintenance sa NAIA terminals hanggang May 28 magtatapos ang naturang pagkukumpuni nito.
Dagdag pa ni Ines, na sa ngayon ay nakakaranas ang mga airline passenger ng mahinang air conditioning sa NAIA dahil pra hindi mabugbog ang gensets na kasalukuyang sumasalo sa supply ng kuryente sa mga Paliparan.
Sa huli, muling siniguro ng MIAA, na matatapos ang naturang pagkukumpuni ng electrical supply at mas magiging maginhawa na ang pagbiyahe ng airline passengers. | ulat ni AJ Ignacio