Inaasahang bukas ng umaga tuluyan nang maisasaayos ng engineering team ng MIAA ang nag-shutdown nitong cooling towers kahapon dahilan upang makaranas ng mainit na kondisyon ang mga pasahero at staff sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa MIAA Media Affairs Division, habang hinihintay na tuluyang maayos ang mga nasirang cooling towers ay pansamantala muna itong naglagay ng mga evaporative fans para mapabuti ang sirkulasyon ng hangin at makapagbigay ng localized cooling para sa kagihawaan ng mga pasahero at staff sa terminal.
Kahapon, dalawa sa mga cooling towers nito ang nagkaroon ng technical issue resulta para ito ay i-shutdown.
Nauna na ring humingi ng pang-unawa at pasensiya ang pamunuan ng MIAA para sa abalang idinulot ng nasabing sitwasyon. | ulat ni EJ Lazaro