Matagumpay na namagitan ang militar at Coordinating Committee on the Cessation for Hostilities (CCCH) sa sagupaan ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Matilac, na dating sakop ng bayan ng Pigcawayan sa SGA-BARMM.
Ito’y matapos na personal na kausapin ni 6ID Assistant Division Commander at CCCH Chairman Brigadier General Nasser Lidasan ang mga pinuno ng dalawang nag-aaway na pankat.
Ang hakbang ay ginawa ni Bgen. Lidasan, alinsunod sa utos ni 6ID at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera, na tuldukan na ang away sa pagitan ni Brgy Chairman Tong Talusan na MILF-Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF-104th base commander, at kaanak na si Ebrahim Piang alias Kagui Sabod, ang battalion commander ng 105 base command, ng BIAF-MILF.
Sa ngayon ay humupa na ang tensyon sa lugar at unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas na residente. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of 6ID