Kasunod ng pagnipis sa suplay ng reserbang kuryente, inihain muli ni House Deputy Minority leader France Castro ang panukala na layong magkaroon ng milyong solar roof sa bansa.
Sa kaniyang House Bill 10253 o Million Solar Roofs Act ,sinabi ni Castro na masisiguro na mayroong pagkukunan ng suplay ng kuryente sakaling sabay-sabay na pumalya ang mga planta.
Dagdag ng kinatawan, paraan din ito para makatipid sa kuryente ang mga consumer pati na ang mga eskuwelahan at mga negosyo.
Magsisilbi din aniya itong power storage na magagamit maski-gabi o umuulan.
Umaasa naman si Castro na agad dinggin ng Kamara ang panukala upang mabawasan ang pagdepende sa mga generation companies na ang laging habol ay kumita. | ulat ni Kathleen Jean Forbes