Pormal na tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang isang TPS-P14ME Mobile Air Surveillance Radar System mula sa Mitsubishi Electric Corporation ng Japan sa seremonya Camp Aguinaldo kahapon.
Ang mga dokumento ng radar system ay iniabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Excellency Endo Kazuya kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, na ipinasa naman ito kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura PAF, at ipinagkatiwala kay PAF Commanding General Lt. Gen. Stephen Parreño.
Ang bagong radar ang una sa apat na air surveillance mobile radar na binili sa ilalim ng AFP Modernization Program Horizon 2, na maaring i-deploy sa iba’t ibang lokasyon para sa mabilis na paglatag ng air-surveillance sa mga liblib na lugar.
Nagpasalamat si Sec. Teodoro sa patuloy na suporta ng Japan, at sinabing inaasahan niyang mapapalakas ng bagong radar system ang kahandaan at seguridad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAF