Agad rumesponde ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee (SAICT) sa isang lalaking motor rider na nasugatan makaraang maaksidente.
Ito’y habang bumabagtas ang naturang motor rider sa northbound lane ng EDSA sa bahagi ng Ortigas sa Mandaluyong City kaninang alas-4 ng madaling araw.
Ayon sa motor rider, self accident ang nangyari dahil naka-idlip siya habang binabaybay ang EDSA na nagresulta sa kaniyang pagsemplang.
Dahil dito, sugatan ang kaniyang binti at dumaraing pa ng pananakit ng katawan.
Agad binigyan ng First Aid ang naturang motor rider. | ulat ni Jaymark Dagala