Pinalitan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga nasirang National IDs ng mga residenteng apektado ng sunog kamakailan sa Davao City.
Ayon sa PSA, nasa kabuuang 26 residenteng nakarehistro sa Barangay Leon Garcia ang nakatanggap na ng bagong National IDs.
Ipinunto ni PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa na mahalagang agad na matugunan at mapalitan ang mga nasirang National IDs nang may hawak na valid proof of identity ang mga residente.
Makatutulong din aniya ito upang agad silang nahatiran ng tulong ng pamahlaan.
“It is our hope that through the immediate issuance of the National ID of the registered persons in Barangay Leon Garcia, we are able to help them in rebuilding their lives.”
Samantala, tuloy-tuloy naman ang ginagawang ID replacement ng PSA para sa mga National ID na burado na ang larawan.
Kailangan lamang na magtungo ang mga ito sa pinakamalapit na Registration Center para makapag-request ng bagong ID. | ulat ni Merry Ann Bastasa