Mula Enero hanggang Marso, 2024, mahigit na sa Php 600 million ang naibahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa nabahagian ng pondo ang Commision on Higher Education (CHED) na abot sa Php 98.3 Million, sunod ang Dangerous Drugs Board na pinagkalooban ng Php 15.5 Million, Philippine Sports Commission, Php754,000 at National Council on Disability Affairs na binigyan ng Php 100,000.
Inaasahan naman nito na magagamit ng mga ahensya ang pondo para sa kanilang mga programa at pangkawanggawa.
Lubos na nagpapasalamat ang PCSO sa patuloy na pagtangkilik ng mamamayan sa mga palaro nito partikular ang Lotto at Small Town Lottery.
Malaking bahagi ng pondong nakalap mula sa mga palarong ito ay nakalaan sa Charity Fund ng PCSO.| ulat ni Rey Ferrer