Isang malaking grupo ng mga negosyanteng amerikano ang naghanda ng isang dinner meeting para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam ng Philippine Media delegation Kay Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez, sinabi nitong nasa may 2 daang American businessmen ang nais na makasalamuha ang Pangulo.
Mula aniya ito sa US business society na nakabase sa Washington at ani Romualdez ay partner ng Pilipinas sa larangan ng pagnenegosyo.
Ang ganitong mga pagkakataon ayon kay Ambassador Romualdez ay pagpapakita sa hanay ng mga negosyanteng amerikano ng kanilang interes para sa posibilidad na maglagak ng kanilang pamumuhunan sa bansa.
Bukod dito ay may naka-schedule ding pakikipag-pulong ang Chief Executive kay US secretary of Commerce Gina Raimondo. | ulat ni Alvin Baltazar