Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, at Ilocos Norte.
Ito’y kasunod ng inilabas na Tsunami warning alert ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bunsod ng naranasang malakas na lindol sa Taiwan ngayong umaga.
Batay sa abiso ng NDRRMC, makabubuting magsagawa na ng preemptive evacuation lalo na iyong mga nakatira malapit sa tabing dagat
Ito’y upang maiwasan ang anumang epekto gayundin ang peligrong dulot ng Tsunami sa kanilang lugar.
Makabubuti ayon sa NDRRMC na pakiramdaman ang sitwasyon sa kanilang lugar at lumikas sa mas mataas na lugar kung kailangan.
Nabatid na niyanig ng Magnitude 7.5 na lindol ang Taiwan kaninang umaga dahilan para maglabas ng tsunami warning ang PHIVOLCS. | ulat ni Jaymark