Puspusan ang ginagawang mga hakbang ng Aviation Industry ng Pilipinas upang makamit ang ang “net-zero emission” sa taong 2050.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ginanap na 3rd International Civil Aviation Organization Forum.
Ayon kay Secretary Bautista, nakikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa iba’t ibang stakeholders para maisakatuparan ang mga proyektong tutugon sa climate change.
Kasama na ang pagsusulong ng biofuels o sustainable aviation fuels.
Aniya, nakipag-ugnayan din ang kagawaran sa isang unibersidad sa bansa para sa paglikha ng local carbon sink projects na pagkukunan ng emission offsetting requirements ng mga local airline.
Batay sa datos, tumaas ng halos 37% ang air traffic sa Pilipinas noong 2023, kumpara noong 2022. Mas mataas din ito ng 94% o halos doble bago magkaroon ng pandemya.| ulat ni Diane Lear