NFA Council, inaprubahan ang P10-B pondo para sa modernisasyon ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na ng National Food Authority (NFA) Council ang P10 bilyong pondo para sa modernisasyon ng ahensya.

Layon nitong mapalakas ang kakayahan ng NFA na magproseso at mag-imbak ng lokal na palay para sa national buffer stock.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang modernisasyon ng NFA ay tutugon sa kakulangan ng mga post-harvest facility. 

Mula kasi sa 80% na kapasidad na drying capacity noong dekada 80 ay bumaba pa ito ngayon sa 5%, dahil sa tumataas na produksyon at kakulangan ng pamumuhunan ng mga bagong pasilidad.

Dagdag pa ni Laurel, ang P10 bilyong pondo ay maliit na bahagi lang ng tinatayang P93 bilyon na kailangan upang maabot ang 90% na kapasidad ng mga post-harvest facility.

Itatayo ang mga bagong pasilidad katulad ng mga dryer, rice mill, warehouse, at silo sa mga pangunahing lugar ng produksyon ng bigas.

Sinabi naman ni NFA Acting Administrator Larry Lacson, na kapag nakumpleto ang modernisasyon ang drying capacity ng NFA ay tataas lamang sa 180,000 metriko tonelada pero ang kailangan natin ay hindi bababa sa 495,000 metriko tonelada. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us