Inaprubahan ng National Food Aurthority (NFA) Council ang pagpapataas ng buying price ng palay.
Sa pulong ng NFA council ngayong araw, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na itinaas sa P23 hanggang P30 kada kilo ang bilihan ng tuyong palay mula sa P17 hanggang P23 kada kilo.
Magiging P19 hanggang P23 kada kilo na rin ang buying price para sa sariwa mula sa dating P16 hanggang P19 kada kilo.
Paliwanag ni Asec. De Mesa, layon ng pag-apruba sa mas mataas na buying price ng palay ay ma-engganyo ang mga magsasaka na magtanim ng palay at mais at mapataas ang produksyon nito.
Ayaw din umano kasi ng mga magsasaka ng ayuda at mas gusto nila na maging matatag ang presyo ng bigas at kumita mula sa kanilang pagtatanim.
Umaasa rin ang DA na matatapatan nila ang presyuhan ng mga rice trader lalo pati nais nilang magkaroon ng sapat na buffer stock ang NFA. | ulat ni Diane Lear