Sinimulan na ng NLEX ang pagpapalit ng kanilang RFID readers at stickers.
Sa pulong na ipinatawag ng Kamara, sinabi ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na para solusyunan ang problema ng non-reading o hindi nababasang RFID ay nagpalit na ang NLEX ng brand na gamit.
Aminado aniya ang operator ng NLEX na nang ipatupad ang contactless payment sa mga toll gamit ang RFID noong panahon ng pandemiya ay minadali ito at gumamit ng China brand.
Pero ngayon ay kapwa na aniya gumagamit ang NLEX at SLEX ng US brand upang bawas aberya.
Nanawagan naman si Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) president and chief executive officer Rogelio Singson sa mga motorista na paglaanan ng oras ang pagpapalit sa kanilang RFID stickers upang iwas aberya lalo at libre naman ito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes