Nilinaw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magpapatuloy ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o Number Coding Scheme sa Metro Manila bukas at sa susunod na araw.
Ito’y sa kabila nang bantang dalawang araw na transport strike ng Manibela at Piston Jeepney transport group simula bukas, Abril 15 at 16.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Ron Artes nakakadagdag lang aniya sa pagbigat ng daloy ng trapiko ang suspensyon ng number coding katulad noong huling transport strike.
Lalupa’t marami pa rin ang bumibiyaheng pampublikong transportasyon.
Tiniyak naman ni Artes ang kahandaan ng MMDA at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para mag deploy ng mga sasakyan para sa libreng sakay.
Gayunman, ide-deploy lang ito kung kinakailangan para hindi naman mawalan ng kita ang mga bibiyaheng tsuper.| ulat ni Rey Ferrer