Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo a-1.
Ito’y kaalinsabay na rin sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa Araw ng Paggawa o Labor Day.
Dahil dito, pinapaalalahan ng MMDA ang mga motorista na saan man ang destinasyon ay laging tandaan na planuhin ang kanilang biyahe.
Nagpapaalala rin ang MMDA sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho. | ulat ni Jaymark Dagala