Nanindigan ang Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC) na dapat maibalik sa kontrol ng pamahalaan ang operasyon ng Manila-Cavite Expressway (Cavitex) project.
Kasunod na rin ito ng hakbang ng ahensya na maghain ng mandamus case sa Court of Appeals laban sa Cavitex Infrastructure Corporation.
Sa isang pulong balitaan sa QC, ipinunto ni PEATC Spokesperson Ariel Inton, na dapat mandato ng ahensya ang pamamahala sa toll ngunit hindi ito ang nangyayari.
Dehado rin aniya ang pamahalaan, dahil hindi naipatutupad ang 60 to 40% share sa kita ng toll na hanggang ngayon ay 90 to 10% pa rin.
Dagdag pa nito, kapag pinaboran ang PEATC ay may posibilidad na maibaba ang presyo ng toll fees na magiging kapaki-pakinabang din sa mga motoristang dumadaan dito.
Suportado naman ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at maging ng union ng PEATC ang kanilang legal na hakbang. | ulat ni Merry Ann Bastasa