Umarangkada na sa Valenzuela ang isang Overseas Mega Job Fair na bukas para sa mga first time job seekers at iba pang naghahanap ng trabaho abroad.
Sa abiso ng Valenzuela Govt, ongoing ang Overseas Mega Job Fair mula 8:00AM hanggang 3:00PM, sa SM City Valenzuela Event Center.
Ito ay pangungunahan ng Valenzuela Public Employment Service Office katuwang ang Department of Migrant Workers at DOLE-NCR.
Kabilang sa maaaring aplayang trabaho dito ang trabaho sa Germany, Qatar, Saudi Arabia, Malaysia, Taiwan at Australia.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng bio-data/resume at iba pang credentials upang makasali.
Bukod sa trabaho, mayroon ding alok na one-stop-shop ng pre-employment services sa naturang job fair kasama ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa