Nagbabala ang Office of the Vice President sa publiko laban sa mga tao o grupo na ginagamit ang pangalan ng kanilang tanggapan at nagpapakilalang empleyado nito.
Ayon sa OVP, dapat makipag-transaksyon lamang ang publiko sa mga lehitimong kawani nito sa kanilang mga opisyal na tanggapan gaya ng mga satellite office.
Binigyang diin pa ng OVP, hindi nila awtorisado ang mga naturang transaksyon lalo na kung ito’y gagawin sa labas ng kanilang mga tanggapan.
Sakaling makasalamuha ng kaduda-dudang transaksyon na ginagamit ang OVP, mangyaring i-report ito sa OVP hotlines 8352-5942 o 8370-1719 o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. | ulat ni Jaymark Dagala