OVP, namahagi ng food packs sa mga residente ng Brgy. 384 sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng food packs sa mga residente ng Barangay 384 sa Quiapo, Maynila ang Office of the Vice President (OVP).

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr o “festival of breaking of the fast” na ginugunita ng ating mga kapatid na Muslim na tanda ng pagtatapos ng Ramadan at pasasamat kay Allah.

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte kasama si Senator Francis Tolentino ang pamimigay ng food packs sa 500 inang residente ng nasabing barangay, na ginanap sa Manila Golden Mosque and Cultural Center.

Layon ng OVP, na kilalanin ang kontribusyon ng mga nanay na Muslim sa pangangalaga ng kanilang kultura, tradisyon, at tungkuling ginagampanan nila sa lipunan.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni VP Duterte ang papel na ginagampanan ng mga ina na hikayatin ang kanilang mga anak na pahalagahan ang edukasyon.

Sa huli, sinabi ng OVP na hangad nito ang isang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Eid al-Fitr para sa ating mga kapatid na Muslim. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us