Nakahanda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tumugon sa kahit anumang pangangailangan ng mga Pilipino sa Taiwan matapos ang nangyaring malakas na lindol doon.
Sa kasalukuyan, ang overseas post sa Taiwan ay nakikipag-ugnayan na sa Filipino communities, mga pinuno, at mga lokal na ahensya ng pamahalaan ng Taiwan para masiguro ang kaligtasan ng mga ito.
Nakaantabay rin ang OWWA sa sitwasyon sa nasabing bansa at sa kung ano man ang kakailanganing suporta at tulong ng mga apektadong OFWs sa Taiwan.
Matatandaang niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Taiwan kung saan wala pang naiulat ang MECO na Pilipinong nasugatan o nabiktima sa mga oras na ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco