Ibinida ni Mayor Liza Resurreccion ang taunang pag organisa ng Siargao International Game Fishing Tournament na nasa ika 14 nang taon ngayon.
Ito ay linahukan ng nga anglers mula sa ibat ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Naging panauhing pandangal sa pagbubukas ng kumpetisyon si Senator Lito Lapid na dinaluhan rin ni Surigao del Norte 1st District Representative Francisco “Bingo” Matugas.
Kasama sa mga naging kalahok sa patimpalak ang 27 Filipino anglers, dalawang Amerikano, anglers na mula Hungary at Canada.
Nagpakalat naman ang Police Regional Office 13 ng 350 PNP personnel para sa seguridad at paniguraduhin ang maayos at mapayapang sitwasyon sa bayan ng Pilar sa durasyon ng nasabing fishing tournament.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan