Nagkaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 1 ng P1 milyong sa Local Government ng Bagulin, La Union.
Nakatakda itong gamitin para sa Tio-Angan Coffee Processing Project ng bayan ng Bagulin, na lalahukan ng 31 na magsasaka ng kape.
Pinangunahan ni DOLE-Region 1 Assistant Regional Director Honorina Dian-Baga ang pagbibigay ng cheke na tinanggap ni Bagulin Mayor Virgilio C. Flor, Vice-Mayor Jaime Lictao, PESO Manager Eleny Dimagiba at iba pang benepisyaryo.
Nagtutulungan ang DOLE Region 1 at LGU-Bagulin para sa nasabing coffee processing project upang mabigyan ng kabuhayan ang mga naninirahan sa Barangay Tio-angan na isa sa mga itinuturing na Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) sa La Union.| ulat ni Glenda B. Sarac, Radyo Pilipinas Agoo