Muling kinalampag ng ilang labor groups ang Kongreso na isabatas na ang panukalang dagdag na P150 na daily wage.
Ang panawagang ito ay bahagi ng kanilang mga gagawing pagkilos sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1.
Sabi ng grupong National Wage Coalition, hindi na kinakaya ng mga manggagawa ang mahal na bilihin at hindi na rin akma ang kasalukuyang sweldo na natatanggap.
Ang panukalang legislated wage hike ay matagal nang nakahain sa Kongreso subalit hanggang ngayon ay nakabitin ito sa committee level.
Bukod sa panawagang ito, magsasagawa din sila ng mga kilos-protesta sa Mayo 1 upang dalhin sa kalsada ang marami nilang hinaing. | ulat ni Mike Rogas