Nadakip ang pitong indibidwal sa drug buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Brgy. Antonino, Balaoan, La Union noong April 05, 2024.
Ang mga suspek ay anim (6) na lalaki at isang (1) babae na kapwa nasa legal na edad.
Anim sa mga ito ay residente ng Lalawigan ng Cavite habang ang isa ay mula sa Santol, La Union at ang mga ito ay itinuturing na High Value Individual (HVI).
Nakumpiska sa mga ito ang isang piraso ng rectangular dried marijuana brick at dalawang malalaking karton na naglalaman ng mga dahon at seedlings ng marijuana, na may bigat na 25 kilo na nagkakahalaga ng ₱3 milyon. | Ulat ni Glenda B. Sarac, Radyo Pilipinas Agoo
Photo: Police Regional Office 1 & PNP DEG SOU 1