Binigyang pahintulot ng Department of Budget and Management sa pangunguna ni Sec. Amenah Pangandaman ang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na may kabuuang halagang P4.5 bilyon upang pondohan ang premium crop insurance ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa sa unang quarter ng taon.
Maliban pa dito ang kaukulang P900 milyon na Notice of Cash sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Pangandaman na makakatulong ang nasabing allotment para mabawasan ang epekto ng nagbabagong klima tulad ng nararanasang El Niño phenomenon at iba pang natural hazards sa mga magsasaka at mangingisda.
Layunin din ng programa na magbigay ng financial security at mapalakas pa ang kakayahan ng agricultural workers sa bansa.
Noong 2023, na-insure ng PCIC ang mahigit sa 2.3 milyong magsasaka at mangingisda.
Ngayong taon, layunin ng PCIC na mabigyan ng premiums ang higit sa 2.293 milyon na mga magsasaka upang tiyaking protektado ang kanilang kabuhayan.| ulat ni EJ Lazaro