Magiging operational na ang Php 400 million state-of-the-art na City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRM) Office Building at Operations Center ng pamahalaang lungsod ng San Pedro, Laguna.
Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang LGU dahil sa pagkakaroon ng makabago at modernong pasilidad sa Barangay, Poblacion.
Binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng modernong pasilidad na siyang magiging responsable sa disaster mitigation and response.
Ang bagong San Pedro CDRRM ay ang unang Starlink internet-powered LGU Building sa Laguna.
Nilagyan ito ng video wall, at emergency management system, eye-in-the-sky CCTV set up, at mga solar.| ulat ni Rey Ferrer