Nakumpiska ang P5.3-Million na halaga ng iligal na droga sa dalawang anti-illegal drug operations na ikinasa ng Police Regional Office (PRO)-1 sa nakaraang 24 oras, mula 6:00AM ng April 12 hanggang 6:00AM ng April 13, 2024.
Batay sa Daily Accomplishment Report ng PRO-1, sa mga naturang operasyon ay isang katao ang nadakip habang nakumpiska ang dalawang gramo ng shabu, gayundin na binunot at sinira ang 26,700 piraso ng fully grown marijuana plants na mayroong pinagsamang halaga na P5,353,600.00
Sa kampanya naman laban sa mga wanted persons, 19 katao ang nadakip mula sa iba’t-ibang panig ng Region 1.
Hinuli naman ang 1,425 katao na lumabag sa mga lokal nga ordinansa at sila’y napatawan ng pinagsamang multa na P537,500.00
Hindi rin nakatakas sa mga kinatawan ng batas ang 54 katao na lumabag sa Land Transportation and Traffic Code o ang Republic Act 4136 at sila’y namulta ng P47,500.00.| ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo