Pag-disqualify ng COMELEC sa kandidatura ni Cagayan Gov. Manuel Mamba, binaligtad ng SC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa Disqualification Petition laban kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Ayon sa Supreme Court, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang COMELEC nang ibasura nito ang disqualification na inihain laban kay Mamba sa pagtakbo nito noong 2022 Elections.

Inihain ang Petition for Certoriari ng katunggali nito sa halalan na si Ma. Zarah Rose De Guzman-Lara na kumukuwestiyon sa desisyon ng COMELEC.

Inaakusahan si Mamba na namili ng boto at ginamit ang pondo ng gobyerno para sa kaniyang kampanya.

Nanalo si Mamba sa halalan at ipinroklama noong May 11, pero dinisqualify ng COMELEC Second Division noong December 14, 2022 matapos makakuha ng sapat na ebidensiya sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Kalaunan ay binaliktad ng COMELEC En Banc ang desisyon at sa halip ay ibinasura ang petisyon ni Guzman-Lara dahil hindi na umano ito umabot sa takdang oras at naiproklama na si Mamba bilang gobernador. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us