Naglabas na ₱200 million pautang ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, dalawang private contractors na may proyektong pabahay sa Luzon at Visayas ang binigyan ng pautang.
Pangalawang pagkakataon na ito na nagbigay ng pautang ang Pag-IBIG Fund para sa pabahay projects.
Maliban dito, inaprubahan ng Pag-IBIG Fund ang halos ₱13 billion revolving credit lines para sa National Housing Authority (NHA) at sa Social Housing Finance Corporation upang suportahan ang kanilang 4PH projects.
Ikinatuwa naman ni Acuzar ang pagpapalabas ng pautang bilang isa pang malaking tulong sa flagship program sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer