Target ng Kamara na tapusin ang pag-repaso sa Rice Tariffication Law bago ang sine die adjournment ng Kongreso upang maibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority na makapagbenta ng bigas sa mga pamilihan.
Ayon mismo kay House Speaker Martin Romualdez, ito ang isa sa mga hakbang na kanilang nakikita para mapababa ang presyo ng bilihin, lalo na ng bigas.
Sakali aniya na maisakatuparan ito ay maaaring mapababa ng P10 hanggang P15 ang kasalukuyang presyo ng bigas pagsapit ng Hunyo.
Positibo rin si Romualdez na susuportahan ito ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil ito naman ang layunin ng administrasyon na bigyan ng abot kayang pagkain ang mamamayan.
Kaya naman handa silang makipag-ugnayan sa Department of Agriculture, NFA at magig National Irrigation Administration (NIA).
Hindi rin aniya malayo na sertipikahan ito ng Pangulo bilang urgent.
Katunayan, patungong Malacanang ngayon si Romualdez upang ilatag ito sa Pangulo.
Kaya umaasa rin ang House leader na bigyang prayoridad din ito ng mga kasamahang mambabatas sa Senado.| ulat ni Kathleen Forbes