Muling nanawagan ng pasensya ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero dahil sa patuloy na nararanasang init sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay MIAA Spokesperson Atty. Chris Bendijo, base sa update sa kanilang opisina ay kinailangan i-rewind ang ilang makina ng mga cooling towers dahilan kaya ito natagalan at ngayong araw ay inaasahang maibabalik o mai-install na ang mga ni-rewind na makina.
Paliwanag ni Bendijo, posibleng matapos ang pagkakabit ng mga bagong rewind na makina mamayang hapon at ilang oras matapos ito ay posible nang maranasan ang malamig na temperatura sa NAIA.
Matatandaang nitong weekend ay nagkaroon ng technical issue ang dalawa sa cooling towers ng NAIA dahilan sa mas mainit na temperatura sa loob ng paliparan. | ulat ni Lorenz Tanjoco