Malugod na tinanggap ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng mga communist Front organizations laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng NTF-ELCAC.
Itoy matapos katigan ng Korte Suprema noong Abril 18, ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag-basura sa Petition for Writ of Amparo and Habeas Data sa kaso ng Karapatan et al laban sa dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at iba pang opisyal ng NTF-ELCAC.
Ayon kay Usec Torres, ang desisyon ay “vindication” sa mga opisyal ng pamahalaan at mga Law enforcers, na inakusahan ng pagkakasangkot sa “extrajudicial killings” at “enforced disappearances” na walang basehan.
Sinabi ni Torres na ang “legal Victory” ay lalo lang nagpapatatag sa commitment ng pamahalaan na labanan ang lahat ng banta sa pambansang seguridad at isulong ang kapayapaan at stabilidad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne