Pagbasura sa panukala ng Metro Manila Council na itaas ang multa sa ilegal parking sa Metro Manila, suportado ni Sen. Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinang ayunan ni Senador Chiz Escudero ang pagbasura ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukala ng Metro Manila Council (MMC) na itaas sa P4,000 ang kasalukuyang multa sa illegal parking sa Metro Manila.

Para kay Escudero, ang pagtitiyak na napapatupad ang parusa ang siyang makakapigil sa mga motorista na lumabag sa patakaran at hindi ang bigat ng parusa.

Giit ng senador, kahit pa itaas sa P4,000 ang multa pero kung alam naman ng mga motorista na malulusutan nila ito ay patuloy pa rin silang lalabag.

Kasabay nito, pinaalala ng mambabatas na sa ilalim ng building codes at occupancy permits ay dapat naglalaan ng sapat na parking space para sa lahat ng uri ng establisyimento, kabilang na dito ang mga residential establishment.

Hindi aniya dapat hintayin pang matulad ang ating bansa sa Singapore, na idinadaan na sa auction o subasta ang karapatang bumili ng sasakyan dahil sa problema sa traffic at parking space.

Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na mas mahalaga na bigyang prayoridad ang pagdisiplina sa mga motorista kaysa sa pagtataas sa multa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us