Paggamit ng garden hose, di ipinapayo ng Task Force El Niño sa gitna ng maigting na kampanya sa pagtitipid ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang maglabas ng guidelines ang National Water Resources Board (NWRB) ukol sa paggamit ng garden hose.

Ito ang inihayag ni Task Force El Niño Spokesperson at PCO Assistant Secretary Joey Villarama sa gitna ng water conservation campaign na ginagawa ng pamahalaan.

Sinabi ni Villarama na kanilang napag-usapan sa kanilang huling meeting na ang paggamit ng garden hose ay lubhang
malakas ang konsumo sa tubig.

Samantala,  may gagawin din aniyang hakbang ukol sa water conservation ang mga taga- Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ay ang pag-iikot sa malalaking subdivision at condominium at mula doon ay magpaalala sa management na hanggat maaari’y iwasan muna ang paggamit ng garden hose at humanap ng ibang alternatibo kung saan ay masusukat ang paggamit ng tubig at maiwasan ang sayang.

Pati ang nasa pagnenegosyo ng carwash ani Villarama, sana ay gamitan ng balde ang diskarte sa paghuhugas ng sasakyan para maiwasan ang walang habas na paggamit ng tubig gamit ang hose.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us