Pinuri ni Philippine Coast Guard Admiral Ronnie Gavan ang kanyang mga tauhan sa dedikasyon sa trabaho para matiyak ang matiwasay na paggunita ng Semana Santa.
Sa mensahe ngayong umaga sa mga Coast Guard Personnel, pinasalamatan niya ang ipinamalas na trabaho ng kanyang mga tauhan para masiguro ang payapa at ligtas na paglalakbay ng mga byahero.
Pati ang mga K-9 units na ginamit ng Coast Guard ay kinilala din ang kanilang partisipasyon sa pagbabantay sa mga pantalan, paliparan, terminal, mga beach resort, mga simbahan at iba pang matataong lugar.
Bagamat may mga insidente sa karagatan, maituturing pa rin daw payapa ito sa pangkalahatan.
Kabilang sa mga binigyan ng pansin ng Philippine Coast Guard ay ang insidente ng pagtalon ng isang 16-na taong gulang na babae sa isang barko sa Calapan City Port sa Oriental Mindoro habang gumagawa ng video.
Tumulong din ang PCG sa sumadsad na barko sa Pier ng Iloilo noong Huwebes Santo habang nailigtas din nila sa pagkalunod ng isang babae sa Catbalogan Western Samar.
Bukod sa mga Coast Guard personnel, pinasalamatan din ni Admiral Gavan ang mga medical team ng PCG, mga volunteers sa pamamagitan ng mga Auxiliary, iba’t ibang rescue unit ng mga LGU, AFP, PNP at ang taumbayan na nakiisa sa isang tahimik at matiwasay na Semana Santa. | ulat ni Mike Rogas