Dumalo si Transportation Secretary Jaime Bautista bilang keynote speaker sa ikatlong European Union Aviation Safety Agency (EASA) forum na pinangunahan ng Civil Aviation Authority (CAAP).
Sa pahayag ng kalihim, binigyang diin nito ang importansya ng sustainable at safe air travel sa kabila ng patuloy na paglala ng air traffic.
Base sa datos ng kalihim na mula sa International Air Transport Association, ang total air traffic nitong 2023 ay tumaas ng 36.9% kumpara noong 2022.
Dagdag pa diyan ay pumalo na rin ang global air traffic sa 94.1%, halos doble noong bago ang pandemya.
Ayon kay Bautista ang enhanced cooperation sa pagitan ng civil aviation regulatory agencies sa Europa at Southeast Asia ay posibleng magresulta sa improved aviation safety at environmental sustainability habang pinapalakas ang resilience laban sa mga problema sa rehiyon.
Ang naturang forum ay sumentro sa “Safe and Sustainable Connectivity in South East Asia” na nagbibigay diin sa kahalagahan ng air transport connectivity at regional integration, para sa maayos na byahe. | ulat ni Lorenz Tanjoco