Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang pakikipagtulungan sa mga stakeholder para maisulong ang paglalagay sa Straight of Hormuz bilang “high-risk area”
Sa inilabas na pahayag ng DMW ngayong umaga, sinabi ni Migrant Workers Officer-In-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac na layon nito na protektahan ang kapakanan ng mga tripulanteng Pilipino.
Magugunitang kinumpirma ng DMW ang pagkakabihag sa apat na Pilipinong tripulante ng containership na MSC Aries na sinalakay ng Iranian authorities noong Sabado.
Giit ni Cacdac, ilalaban nila ito sa International Bargaining Forum kung saan kasapi ang International Transport Workers Federation at International Maritime Employers.
Sa pamamagitan kasi nito, mapalakakas anila ang safety measures para sa mga biyahe ng barko na babaybay sa mga critical waterway. | ulat ni Jaymark Dagala