Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez para sa pinaigting na kampanya laban sa ‘cyber attacks’.
Kasunod na rin ito ng pag-atake sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa kaniyang pambungad na mensahe sa pagbabalik sesyon ng Kamara, sinabi ng House leader na panahon na para labanan ang mga “cyber-warriors” na umaatake sa ating mga institusyon. Nandito man sila o nasa labas ng ating bansa.
Kaya naman target nila sa kamara na makapaglatag ng lehislasyon na magpapalakas sa cybersecurity command ng ating bansa para masigurong ligtas ang mga institusyon at mga mamamayan sa anumang banta.
Ngayong ngayong araw ay nakatakdang isagawa ang pagdinig ng House Committee on Information and Communications Technology kasama ang Committee on Public Information para talakayin ang naging cyber attack sa website ng PhilHealth, Philippine Statistics Authority, Department of Science and Technology, Philippine National Police, Bureau of Customs, maging ng website mismo ng House of Representatives.
“Given the unabated incidents of cybersecurity threats, it is imperative that we formulate remedial measures with urgency to complement and support the implementation of the National Cybersecurity Plan,” giit ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes