Ipinapaubaya na ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa Department of Education (DepEd) at sa mga paaralan ang pagdedesisyon tungkol sa pagpapatupad ng blended learning.
Ang pahayag na ito ni Herbosa ay kasunod ng rekomendasyon ni Senador Sherwin Gatchalian na magpatupad na ng blended learning dahil sa init ng panahon.
Sa panayam sa Senado, sinabi ni Herbosa na ang pagkakansela ng physical classes dahil sa init ng panahon ay depende sa environment sa eskwelahan.
Paliwanag ng kalihim, may mga eskwelahan naman kasi aniyang maganda ang pagkakagawa ng ventilation.
Payo naman ni Herbosa sa publiko ngayong tag-init, ugaliing uminom ng tubig, maglagay ng sunblock at iwasan ang pananatili sa ilalim ng sikat ng araw ng matagal na panahon.
Rekomendasyon rin ng Health Secretary sa mga paaralan, iwasan na ang pagpapagawa ng outdoor activities mula 10am hanggang 4pm.| ulat ni Nimfa Asuncion