Mananatili ang pagtaya ng World Bank sa 2024 economic growth forecast ng Pilipinas na nasa 5.8%.
Sa inilabas nitong April 2024 East Asia and Pacific Economic Update Report, inaasahang magiging pangalawa sa ‘fastest-growing economy’ ang Pilipinas sa Silangang Asya at sa Pasipiko.
Binago din ng World Bank ang kanilang 2025 growth projection sa bansa sa 5.9% mula sa naunang 5.8% sa gitna ng mas mataas na consumer spending at foreign investment.
Sa virtual briefing, sinabi ni World Bank East Asia and Pacific Chief Economist Aaditya Mattoo, napapanatili ng Pilipinas ang paglago sa consumption at pagbawi ng services sector.
Dagdag pa ni Mattoo na asahan ang pagtaas ng investment flows bunsod ng isa sa mahalagang reporma, ang RA 11659 Public Service Act kung saan pinapayagan ang foreign ownership sa key sectors gaya ng telecommunications at airlines.
Ayon sa ulat, ang Pilpinas at Cambodia ay inaasaang lalago ang GDP sa 5.8%, kasunod ng Vietnam (5.5%), Indonesia (4.9%), Malaysia (4.3%), Lao People’s Democratic Republic (4.0%), Timor-Leste (3.6%), Thailand (2.8%), at Myanmar (1.3%).
Nananatili naman ang banta sa paglago ng bansa ang kasalukuyang klima, geopolitical shocks, mataas na inflation at interest rates. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes