Pagtigil sa pagbibigay ng arrival sticker sa Immigration e-gate ng mga paliparan, sinimulan na ng BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatupad na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapahinto sa pagbibigay ng arrival sticker para sa foreign passengers na tutungo sa ating bansa, at dumaan sa electronic o e-gates sa mga Paliparan.

Ayon sa BI, layon nito na pabilisin at gawing efficient ang naturang proseso ng arriving passengers na kadalasang nagkakaroon ng congestion dahilan ng paghaba ng pila sa mga e-gate.

Ayon naman kay BI Spokesperson Dana Sandoval, na sa kanilang pag-alis ng sticker ay bibilis lamang sa walo hangang 15 segundo ang iiigsi sa proseso ng mga pasaherong dumaan sa e-gate.

Dagdag ni Sandoval, na imbes na sticker ay email confirmation na lamang ang matatangap ng bawat pasahero. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us