Ibayong pag iingat ang payo ni Quezon City Rep. PM Vargas sa gitna na rin ng patuloy na mataas na temperatura.
Paalala ng mambabatas na ang mainit at maalinsangang panahon ay may banta sa kalusugan gaya na lang ng cardiac arrest at heat stroke.
Kaya naman maliban sa pananatili sa loob ng bahay at pag inom ng maraming tubig para makaiwas sa heat related na mga sakit ay nanawagan si Vargas para sa pagsasabatas ng panukala na gawing mandatory ang pagtuturo ng CPR.
Sa ilalim ng House Bill 4464 o “CPR and First Aid in Schools Act” ituturo sa mga paaralan ang essential life support techniques, gaya ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) para agad maka responde sa emergencies gaya ng cardiac arrest. | ulat ni Kathleen Forbes