Ipinaabot ng Pilipinas ang appreciation nito sa panibagong commitment ng mga foreign minister ng G7 sa pagpapanatili ng rule of law at rule-based maritime order na nakaangkla sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) matapos ang mga aggression at pahayag ng bansang Tsina sa South China Sea.
Sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), matatag ang commitment ng bansa sa UNCLOS at ang binding Arbitral Award ng 2016, kung saan naniniwala ang bansa na dapat galangin at sa freedom of navigation na daan para sa pandaigdigang kapayapaan at kasaganaan.
Ang G7 ay binubuo ng mga bansang Canada, France, United States, Germany, Italy, Japan, at United Kingdom, at kumakatawan sa nangungunang industrialized democracies sa mundo.
Kaya naman welcome para sa Pilipinas ang suporta ng G7 laban sa sinasabing baseless at expansive claims ng China sa South China Sea kabilang na ang panawagan upang wakasan ang mga iligal na mga gawain nito partikular na ang paggamit ng coast guard at maritime militia. Gayundin, ang pagpanig nito sa 2016 Arbitral Award na makabuluhan para sa mapayapang management at resolution sa mga pagkakaiba pagdating sa karagatan.
Ipinahayag din ng bansa ang pagsang-ayon nito sa vision ng G7 para sa isang stable na Indo-Pacific Region at pagtutol laban sa mga sumisira sa pandaigdigang seguridad.
Nitong Biyernes, naglabas ang G7 ng communiqué na tumututol sa mapanganib na paggamit ng China ng coast guard at maritime militia sa paggigiit ng claim nito sa SCS.
Matatandaan noong ika-5 ng Marso, isang barko ng China Coast Guard kasama ang isang Chinese militia ship, ang nag-water cannon sa isang supply vessel ng Pilipinas patungo sa Ayungin Shoal.
Ang pag-atakeng ito, ay isa lamang maraming insidente sa West Philippine Sea na nagdulot ng matinding pinsala sa supply ship at mga pinsala sa mga tripulanteng Pilipino na umani naman malawakang pagkondena mula international community.
Higit pa rito, handa naman ang Pilipinas na makipagtulungan sa G7 sa pagpapalakas ng inclusive at sustainable na pag-unlad sa rehiyon at handa itong makibahagi sa pagharap sa samu’t saring mga pandaigdigang hamon.| ulat ni EJ Lazaro