Pinaigting ng pamahalaan ang pakikipagtulungan nito sa mga telco at social media platform upang labanan ang mga kaso ng pang-aabuso at exploitation sa mga bata na nagaganap sa cyber space.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Atty. Margarita Magsaysay na mayroong mga online platform na binibigyan sila ng access sa kanilang website.
Dahil dito, mas nagiging madali para sa intel agent na mag-report ng mga kaso ng online na pang-aabuso at exploitation sa mga kabataan.
Ayon sa opisyal, pumapalo sa bilyong pisong halaga ang kinikita ng mga nasa likod ng krimen o pang-aabusong ito laban sa mga bata.
“The Suspicious Transaction Report that is reported by the AMLC. So, in their study ano po, the volume of the Suspicious Transaction Report that was reported to them by the covered persons – mga banks ito, mga money service businesses – for the year 2020 ay 83,348,106 in value. So, that’s just for the… yes, in pesos. So, that’s just for the second half ‘no, second half of 2020.” -Atty. Magsaysay.
Kinakailangan aniya nila ang lahat ng tulong mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, upang matuldukan ang krimen na ito.
Malaking tulong rin aniya kung palaging mag-update ng sistema ang mga internet service provider, para sa mas mabilis na pag-track sa IP address ng mga nasa likod nito.
“We’re hoping na we’ll have that technology na hindi na po tayo ITB4 – ITB6 na sana. What do I mean by that? The way I understand it is we are able to detect from one IP address to one definite user. So, I understand, that will be a definite big help sa mga law enforcement agents namin because they have the information. Kaya lang iyong ITB4 na binibigay sa kanila ay ang daming mga users who are using the same ITB address. That’s under the law, talagang it’s just a matter of pushing talaga or getting a policy from the government mandating mga telcos.” –Magsaysay. | ulat ni Racquel Bayan