Tuloy pa ang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng shear line at low-pressure area sa Davao region noong Enero 2024.
Isinasagawa ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Cash Transfer program ng ahensya.
Sa ngayon, umabot na sa 86,724 benepisyaryo mula sa probinsya ng Davao Oriental at Davao Del Norte ang nakatanggap ng ECT assistance na nagkakahalaga ng mahigit Php863 million.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱9,960 na katumbas ng tinatayang 75% ng kasalukuyang minimum wage rate para sa 30 araw. | ulat ni Rey Ferrer