Ipinapakita sa pinakahuling Oil Market Report ng International Energy Agency (IEA) ang bumabagal na pandaigdigang demand sa langis.
Ayon sa IEA, naitala sa 1.6 million barrels per day ang pandaigdigang demand para sa langis sa unang quarter ng 2024, mas mababa ng 120,000 bariles kada araw kumpara sa naunang mga forecast.
Sinasabing maaaring dahilan ng pagbaba sa demand na ito ay ang pagtaas ng vehicle efficiency, kabilang din ang paglago ng mga electric vehicle fleet, at halos patapos nang post-COVID rebound.
Nakikitaan din ng IEA na magpapatuloy ang pagbaba ng demand sa 1.2 million barrels per day sa 2024 at 1.1 barrels per day sa 2025.
Sa kabila naman nito, inaasahan naman ang pagtaas ng global oil output sa 2024 kung saan pangungunahan naman ng Estados Unidos ang global supply growth hanggang 2025 para sa mga non-OPEC+ countries.
Sa usapin naman ng inventory, nananatiling mataas ang global observed oil inventories kung saan tumaas pa ito sa 43.3 million barrels nitong Pebrero.| ulat ni EJ Lazaro