Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matitiyak ng 6th Infantry Division (ID) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaayusan at kapayapaan sa kauna – unahang Bangsamoro elections sa May, 2025.
“I am sure that you have the ability, I know you have the ability to secure a safe and honest conduct of these elections as this will lay the groundwork for a Bagong Pilipinas. I am confident that the entire Filipino nation can count on you for this very important undertaking.” —Pangulong Marcos.
Sa pagharap ng Pangulo sa tropa ng pamahalaan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, ngayong araw (April 29) binigyang diin nito na mas mabigat na ang papel ng mga ito, sa pagsusulong ng isang Bagong Pilipinas.
“The upcoming first BARMM parliamentary elections in May 2025 will represent a milestone in our journey towards a meaningful autonomy and a peaceful Bangsamoro.” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una na ring nagbabala si Pangulong Marcos sa mga magtatangka na manggulo sa halalan ng Bangsamoro region sa susunod na taon.
Samantala, sa pagbisitang ito, pinangunahan ng Pangulo ang pagbibigay pagkilala sa tatlong sundalong nagpamalas ng kanilang kabayanihan makaraang maka-engkwento ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction (BIFF-KF).
“As your President, I join the rest of the Philippines in giving you my snappiest salute and express my deepest gratitude to you for your sacrifice. You can [be] rest assured that, while you defend our nation against all threats, this government will continue to nurture your welfare and that of course, of your families.” —Pangulong Marcos.
Umaasa ang Pangulo na magsilbing inspirasyon ang mga ito upang isakatuparan ang kanilang mandato, nang buong puso at mayroong katapangan.
“You are an inspiration to us all, it is through your valiant efforts that we will build a strong Mindanao and a more prosperous Bagong Pilipinas for the present and for future generations.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan