Pangulong Marcos Jr., tiniyak ang pagpupursige ng pamahalaan na maisakatuparan ang hangarin ng 4PH program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisikap ng gobyerno upang maihatid ang serbisyo at maunlad na buhay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Ito ang mensahe ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Balanga, Bataan kung saan pinangunahaan nito ang pamamahagi ng certificates of award sa mga benepisyaryo ng low rise housing project sa probinsya.

Ang housing project ay pakikinabangan ng 216 pamilya na nakatira sa danger zone sa Talisay river.

Ang bawat housing unit ay may dalawang kwarto, comfort room, dining area, living area at community facility gaya ng eskwelahan, health center at multipurpose hall, day care center at satellite offices.

Binati ng Pangulo ang mga informal settler family (ISF) sa kanilang bagong bahay at umaasa ito na iingatan at papaunlarin ang kanilang komunidad.

Diin ng Pangulo, looking forward siya sa mga ganitong aktibidad kung saan nakikita niya na naisasakatuparan ang ilan sa mga pangarap niya sa mga Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us