Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging mabunga ang kaniyang pagkikipagpulong sa Japan at Estados Unidos, ngayong linggo.
Sa departure speech ng Pangulo, sinabi nito na palalakasin ng tatlong bansa ang kooperasyon nito sa pagsusulong ng ekonomiya.
Critical infrastructure, cybersecurity, defense, maritime cooperation.
“During this Summit, I will underscore the importance of enhancing our economic cooperation, with a view of promoting economic resilience and of course, security. I intend to explore ways of advancing cooperation, especially in the areas of critical infrastructure, semiconductors, digitalization and cybersecurity, critical minerals, renewable energy, as well as defense and maritime cooperation.” —Pangulong Marcos.
Partikular aniya niyang bubuksan sa harap ng dalawang lider ang ilang regional at security issues, pagsusulong ng rule of law, at rules based international order sa Indo Pacific Region.
“Where we will continue our discussions on strengthening further this— our alliance between our two countries, and also to meet with U.S. business leaders to invite them once again, to invest in the Philippines.” —Pangulong Marcos Jr.
Nilinaw rin ng Pangulo na ang pulong na ito, bagamat matatalakay ang usapin sa depensa at seguridad, sisentro pa rin sa usaping pang ekonomiya ng tatlong bansa.
“The main intent of this trilateral agreement is for us to be able to continue to flourish, to be able to help one another, and of course, to keep the South China Sea as a freedom— to keep the peace in the South China Sea and the freedom of navigation in the South China Sea.” —Pangulong Marcos
Eksakto alas-2:56 ng hapon (April 10), tumulak papuntang Washington DC si Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan